Extension sa paghahain ng buwis hiniling ng House tax panel sa BIR

Umapela si House Committee on Ways and Means Chairman Joey Salceda sa Bureau of Internal Revenue na magpatupad ng administrative relief para sa mga taxpayers na hindi makakapagbayad ng buwis hanggang sa itinakdang deadline sa April 15 dahil sa COVID-19.

Ayon kay Salceda, bagamat nasa batas na hanggang April 15 ang deadline sa pagbabayad ng buwis, nakasaad naman sa tax code na maaaring magtakda ng exceptions katulad ng kinakaharap na problema ng bansa sa coronavirus.

Posible anyang palawigin ang deadline o kaya ay i-waive ang penalties at iba pang surcharges para sa mga mahuhuling magbayad ng kanilang buwis.

Sabi ni Salceda, “It makes sense to extend. While the April 15 deadline is written in the law, the Commissioner of Internal Revenue can make exceptions in meritorious cases. That’s in the tax code. I understand the Secretary of Finance’s sense that they are constrained. But we have options.”

Makatutulong din anya ang electronic filing at payment system sa BIR upang maiwasan ang face-to-face interactions.

Idinagdag nito na ang mga tinatawag na mga Large Taxpayer Service ay tapos nang makapaghain ng kanilang ITR sa pamamagitan ng electronic filing.

Ang mga ito anya ay nasa 30 hanggang 40 libong kumpanya o 68 porsyento ng kita ng BIR.

Kailangan din anyang tiyakin na user friendly ang e filing system para mabilis na magamit ng mga individual taxpayer.

Read more...