Luzon uulanin hanggang mamayang gabi ayon sa PAGASA

By Den Macaranas February 06, 2016 - 03:21 PM

rain
Inquirer file photo

Sinabi ng PAGASA na makararanas ng maulap na kalangitan at pag-ulan ang halos at buong Luzon hanggang mamayang gabi.

Ipinaliwanag ng weather bureau na makapal pa rin ang kaulapan sa ibabaw ng Luzon na magdadala ng mga pag-ulan na nararanasan simula pa kahapon ng hapon.

Makararanas ng mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan ang Metro Manila, Gen. Tinio, Guimba, Cuyapo at Gabaldon sa Nueva Ecija.

Bayan ng Bagac at Morong sa lalawigan ng Bataan, ganun din ang malaking bahagi ng Batangas, Rizal, Laguna, Quezon at Cavite.

Ang kabuuan naman ng Bicol region may makakaranas ng mahinang pag-ulan na pwedeng sundan ng mga thunderstorms.

Nilinaw din ng PAGASA na wala silang namomonitor na sama ng panahon sa mga susunod na araw.

 

TAGS: Luzon, Pagasa, Rain. Metro Manila, Luzon, Pagasa, Rain. Metro Manila

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.