Food security plan ipinalalatag sa pamahalaan
Hinikayat ni Magsasaka Partylist Rep. Argel Cabatbat ang gobyerno na maglatag ng Food Security Plan kasunod ng restrictions na ipinapatupad para mapigilan ang pagkalat ng COVID-19.
Ayon kay Cabatbat, bagamat hindi pa masyadong nakikita ang epekto ng community quarantine sa mga pagbabago sa implementasyon pagdating sa kabuhayan mahalagang magbalangkas na ang pamahalaan ng food security plan upang matiyak ang food sufficiency sa rehiyon lalo’t higit sa mga matinding matatamaan nito.
Kinakailangan aniyang masiguro ng mga ahensya ng gobyerno partikular ng Department of Agriculture (DA) at Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang tatlong mahahalagang puntos tulad ng food availability, food access, at food utilization.
Inirekomenda ni Cabtbat na pag-aralan ng pamahalaan ang pagbibigay ng food vouchers sa mga pinakamahihirap na komunidad, sa mga syudad at munisipalidad na may higit sa isang positive case ng COVID-19, at sa mga lugar na kinakailangan ipatupad ang mahigpit na quarantine.
Pinatitiyak din ng mambabatas sa Department of Trade and Industry na walang establisyimento ang mananamantala at magtataas ng presyo sa kabila ng krisis.
Higit aniya kasing apektado ng epekto ng COVID-19 ang mga working class na lantad sa health risks at mga taong walang kapasidad para mag-imbak ng pagkain sa panahon ng emergency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.