400 masks, gloves ibinigay sa mga pulis-Metro Manila
Pinaghati-hatian na ng mga pulis na nakatalaga sa iba’t ibang bahagi ng Metro Manila ang 400 surgical gloves at masks na ipinamahagi ni NCRPO Director Debold Sinas.
Nabatid na ang mga gloves at masks ay mula sa Office of the Directorate for Operations.
Sinabi ni Sinas na ang mga ito ay karagdagan protective gears para sa mga pulis na nagbabantay sa mga checkpoints sa mga hangganan ng Kalakhang Maynila.
Hiwalay na binigyan ni Sinas ng 66 gloves at 50 masks ang kanyang limang district directors at commander ng Regional Mobile Force Battalion.
Nakatanggap din sila ng 800 piraso ng N95 masks at tig-dalawang gallon ng alcohol.
Ipamamahagi din ang mga ito sa mga pulis na nagbabantay sa control points sa paligid ng Metro Manila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.