Mga customer ng Manila Water binigyan ng 30-day extension para mabayaran ang kanilang bill

By Dona Dominguez-Cargullo March 17, 2020 - 09:22 AM

Nagbigay ng 30 araw na extension ang Manila Water sa kanilang mga customer para magbayad ng kanilang bill.

Ayon sa Manila Water pangunahin nilang prayoridad ang kapakanan ng mga customer habang lahat ay nagtutulong-tulong upang pigilin ang pagkalat ng COVID-19.

Tiniyak ng Manila Water ang mga sumusunod:

1. Adequate Supply: Sinisiguro na lahat ng customers ay may sapat na supply ng tubig, maliban na lamang kung may emergency repairs o maintenance activities, kung kinakailangan.

2. Payment Extension: Binibigyan ang mga customer ng 30-day extension mula sa due date para mabayaran ang water bill.

3. Payment Options: Maaari pa ring gamitin ang online banking at iba pang online payment channels tulad ng GCash o PayMaya sa nais magbayad ng water bill.

TAGS: bill payment extension, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, manila water, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, bill payment extension, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, manila water, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.