Operasyon ng GrabCar, GrabFood, GrabExpress at GrabTrike suspendido

Suspendido muna ang operasyon ng GrabCar, GrabFood, GrabExpress, at GrabTrike sa buong Luzon.

Kasunod ito ng deklarasyon ng enhanced community quarantine ni Pangulong Rodrigo Duterte dahil sa COVID-19.

Ayon sa abiso ng Grab, simula ngayong araw March 17 ay wala muna silang operasyon.

“To safeguard our communities from the threat of COVID-19, we are pausing our GrabCar, GrabFood, GrabExpress, and GrabTrike operations in Luzon from March 17 until further notice,” ayon sa Grab

Tiniyak ng Grab na kaisa sila ng pamahalaan para malabanan ang COVID-19.

Read more...