Mga bumibiyaheng taxi sa Baguio binigyang ultimatum ni Mayor Benjamin Magalong

Binigyan ng ultimatum ni Baguio City Mayor Benjamin Magalong ang mga taxi na bumibiyahe pa rin sa lungsod sa kabila ng umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Ito ay makaraang malaman ni Magalong na may mga taxi pa rin na bumibiyahe sa lungsod.

Binigyan ni Magalong ng 30 minuto lang ang mga taxi driver para huminto sa pagbiyahe.

Una dito ay inatasan ni Magalong ang mga tauhan ng Baguio City Police na arestuhin ang mga lalabag sa enhanced community quarantine.

Sinabi rin ni Magalong na kanselado na ang lahat ng mass gatherings kabilang ang pagtitipon sa mga simbahan.

24 na oras na din ang pag-iral ng curfew sa Baguio City at pina-igting ang pagpapatrulya para masigurong lahat ng tao ay mananatili lang sa kanilang mga bahay.

Read more...