Aktor na si Idris Elba nagpositibo sa COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo March 17, 2020 - 08:09 AM
Kinumpirma ng aktor na si Idris Elba na positibo siya sa COVID-19.
Ayon kay Elba, maayos ang kaniyang kondisyon at wala siyang nararanasang sintomas.
Sinabi ni Elba na isolated na siya mula nang malaman niyang positibo siya sa sakit.
Ibinahagi ni Elba ang isang video message sa kaniyang Twitter kung saan nananawagan ito sa publiko na manatili lamang sa kanilang mga tahanan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.