San Miguel Corp., gagawa ng 70% alcohol para maipamahagi ng libre

By Dona Dominguez-Cargullo March 17, 2020 - 06:50 AM

Dahil sa kakapusan ng suplay ng alcohol, sinabi ni San Miguel Corporation President at COO Ramon Ang na magpo-produce ang kumpanya ng 70 percente ethyl alcohol sa isang local na pasilidad nito.

Ang mga gagawing alcohol ay ipamamahagi sa mga publiko sa pamamagitan ng lokal na pamahalaan.

Nagbibigay din ng donasyon ang SMC ng kanilang brand ng disinfectant powder sa mga LGU.

Sa ngayon ayon kay Ang, kumukuha sila ng clearance sa mga ahensya ng pamahalaan para masimulan ang produksyon.

Ang Ginebra San Muguel Inc., ay nagsimula nang gumawa ng alcohol noong weekend na gagamitin sa kanilang pasilidad at magagamit ng libu-libong empleyado nila.

TAGS: 70 percent, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, ethyl alcohol, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, Ramon Ang, San Miguel Corporation, SMC, tagalog news website, 70 percent, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, ethyl alcohol, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, Ramon Ang, San Miguel Corporation, SMC, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.