Mga Pinoy sa ibang bansa na tinamaan ng COVID-19 115 na

By Dona Dominguez-Cargullo March 17, 2020 - 06:31 AM

Umakyat na sa 115 ang bilang ng mga Pinoy sa ibang mga bansa na tinamaan ng sakit na COVID-19.

Ayon sa Department of Health (DOH) sa nasabing bilang 80 ay mula sa MV Grand Princess na na-stranded sa Japan.

Pitumpu’t pit naman sa kanila ang gumaling na at nakalabas na ng pagamutan at karamihan ay nakauwi na ng Pilipinas.

Habang tatlo na lang ang nananatili sa ospital.

Sa United Arab Emirates, mayroong apat na Pinoy na nagpositibo sa sakit.

Lima ang nagpositibo sa HOng Kong at tatlo sa kanila ang naka-recover na.

Sa MV Grand Princess sa California, labingtatlo ang nagpositibo sa COVID-19.

May isa namang Pinoy na positibo sa sakit sa Switzerland at dalawa sa France.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.