Manila City Govt naglaan ng P60M na pantulong sa mga manggagawa ng City Hall na apektado ng lockdown
By Dona Dominguez-Cargullo March 17, 2020 - 06:14 AM
Nilagdaan ni Manila City Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso ang isang ordinansa na naglalaan ng P60 million para maipangtulong sa mga empleyado at job order workers sa Manila City Government.
Sa ilalim ng Ordinance No. 8620 bibigyan ng financial assistance ang mga apektadong manggagawa.
Mayroong 10,000 regular employees at 10,000 job order workers ang City Government.
Bawat isa sa kanila ay tatanggap ng tig-P3,000.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.