Pangulong Duterte pinuntahan ang mga stranded na pasahero sa boundary ng Valenzuela at Bulacan

Dumating si Pangulong Rodrigo Duterte sa boundary ng Valenzuela City at Meycauyan, Bulacan.

Ito ay matapos na maraming residente ang ma-staranded doon nang ganap na umiral ang total lockdown.

Iniutos ng pangulo sa mga nababantay na sundalo at pulis na payagan nang makadaan ang mga na-stranded na tao.

Ipinaliwanag naman ng mga sundalo na sila ay papayagang makapasok pero hindi na sila hahayaang lumabas muli.

Ibig sabihin kailangan na lamang nilang manatli sa loob ng kanilang mga tahanan.

Pagkatapos mapadaan ang mga na-stranded sa bahagi ng Malanday-Meycauayan boundary, tuluyan nang nilagyan ng mga plastic barriers ng Valenzuela TMO at Valenzuela City Police ang boundary.

Read more...