Pagpapatupad ng enhanced community quaratine sa buong Luzon nagsimula na

By Dona Dominguez-Cargullo March 17, 2020 - 05:41 AM

Nagsimula na ang mahigpit na pagpapatpuad na enhanced community quarantine sa buong Luzon.

Sa Metro Manila, ang mga establisymentong bukas ay isa-isang binubusisi ng mga otoridad ng mga otoridad para matiyak na kabilang sila sa mga pinapayagang magbukas sa ilalim ng deklarasyon.

Sa bahagi ng Marcos highway, hinarang ang mga sasakyang may lulang mga trabahador.

Marami ding commuters ang inabutan ng pag-iral ng enhanced community quarantine sa kalsada at wala nang nasakyan.

Sa Valenzuela – Meyacauayan Bulacan boundary madami din ang na-stranded na mga pasahero nang ipatupad na ang lockdown.

Sa ilalim ng enhanced community quaratine mahigpit nang ipatutupad ang quarantine sa mga households.

Ang mga establisyimento lamang na papayagang magbukas ay ang mga sumusunod:

• Public markets
• Supermarkets
• Groceries
• Convenience stores
• Hospitals
• Medical clinics
• Pharmacies and drug stores
• Food preparation and delivery services
• Water-refilling stations
• Manufacturing and processing plants of basic food products and medicines
• Banks
• Money transfer services
• Power, energy, water and telecommunications supplies and facilities

Supsendido na rin ang operasyon ng lahat ng pampulikong mga sasakyan.

TAGS: COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website, COVID-19, covid-19 in ph, enhanced community quarantine, Inquirer News, Luzon, PH news, Philippine breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.