Sa guidelines ng kagawaran, sinabing suspendido na ang operasyon ng MRT-3, LRT-1, LRT-2, at PNR.
Suspendido rin ang operasyon ng land transport modes tulad ng public utility buses, jeepneys, taxis, Transport Network Vehicle Service (TNVS), FX, UV Express, Point-to-Point (P2P) buses, at motorcycle taxis
Papayagan naman ng DOTr aviation sector ang mga dayuhang paalis (outbound) ng Pilipinas sa susunod na 72 na oras mula nang ipatupad ang Enhanced Community Quarantine.
Magiging limitado ang airport operation sa mga paalis na flights sakay ang mga dayuhan at turista. Hindi papayagan ang mga Filipino na makaalis ng bansa.
Papayagan namang ang inbound flights ngunit para sa mga repatriating Filipino lamang.
Papayagan din ang land, air at sea travel ng uniformed personnel para sa official business, lalo na sa pag-transport ng medical supplies, laboratory specimens na may kinalaman sa COVID-19, at iba pang humanitarian assistance.
Isang tao kada pamilya lamang ang papayagang lumabas ng bahay para bumili ng pagkain at iba pang pangangailangan. Maaari anilang gamitin ang pribadong sasakyan.
Papayagan din ang media vehicles at reporters na mag-ikot sa community quarantine area, bastat mayroong special media pass mula sa PCOO.
Ayon sa DOTr, epektibo ang mga panuntunan simula 12:00, Martes ng madaling-araw (March 17), hanggang 12:00 ng madaling-araw ng April 13.