Pangulong Duterte, hinikayat ang mga kumpanya na maagang ibigay ang 13th month pay sa mga empleyado
Hinikayat ni Pangulong Rodrigo Duterte ang mga kumpanya na ikonsidera ang maagang pagbibigay ng 13th month pay sa mga empleyado.
Ito ay kasabay ng patuloy na epekto ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.
Ayon sa pangulo, maaaring ibigay sa mga empleyado ang kanilang 13th month pay o kalahati ng buwanang sweldo.
Sinabi ng Punong Ehekutibo na ito ay maaaring paraan para ipakita ang pakikisa sa kani-kanilang empleyado sa panahon ngayon.
Sa huling tala ng Department of Health (DOH), nasa 142 na ang kabuuang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa bansa.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.