Poe nanguna sa Pulse Asia survey, Binay, Roxas at Duterte statistically tied

Roxas-Poe-Binay-Duterte-file-0803
Inquirer file photo

Nakabawi si Senator Grace Poe sa Presidential Survey ng Pulse Asia.

Sa poll survey na ginawa sa pagitan ng January 24-28 sa 1,800 na respondents, nakakuha si Poe ng 33% para makuha ang unang puwesto.

Statistically tied sina Vice President Jejomar Binay, Liberal Party Standard bearer Mar Roxas na mayroong 23% at nakakuha naman ng 20% si Davao City Mayor Rodrigo Duterte.

Sa Vice Presidential race, nasa unang puwesto si Sen. Francis “Chiz” Escudero na mayroong 33% at pangalawang puwesto si Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. sa 23%.

Nasa ikatlong puwesto si Camarines Sur Rep. Maria Leonor “Leni” Robredo na mayroong 18% at si Senator Alan Peter Cayetano na nakakuha ng 14%.

Si Sen. Gregorio Honasan ay mayroong 5 % habang 4 % kay Sen. Antonio Trillanes IV.

Samantala, sinabi ng Comelec na maglalabas din sila ng guidelines kaugnay sa paglalabas ng mga survey results sa pagsisimula ng kampanya sa susunod na linggo.

Read more...