GSIS employee sa Pasay City, nag-positibo sa COVID-19

By Ricky Brozas March 16, 2020 - 09:10 PM

Isang babaeng empleyado ng Government Service Insurance System (GSIS) ang nag-positibo sa Coronavirus Disease (COVID19) sa Pasay City.

Ito ang kinumpirma ni GSIS President and General Manager Rolando Ledesma Macasaet.

Sinabi ni Macasaet, may travel history ang babaeng empleyado sa Japan at nakaramdam ng sintomas nitong Marso 7 at ito ay agad na naisugod sa San Juan de Dios Hospital nitong Marso 11 at matapos ang ilang pagsusuri ay natukoy na positibo ito sa COVID-19.

Sa ngayon aniya? nagsasagawa na ang pamunuan ng GSIS ng Contact tracing kung sino ang mga nakasalamuha ng kanilang empleyado.

Nag-self quarantine na rin si Macasaet kasama ang ilan pang indibidwal bilang pagtalima sa protocol ng DOH.

Nagpasya rin ang pamunuan ng GSIS na i-lockdown ang naturang gusali hanggang Abril 15 gayundin ang GSIS Branch sa Mindanao Avenue, Quezon City.

Bukod pa dito, suspendido na rin ang trabaho sa mga tanggapan ng GSIS sa Cagayan de Oro.

TAGS: COVID-19, GSIS, COVID-19, GSIS

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.