Cavite, isinailalim na sa community quarantine bunsod ng COVID-19

By Angellic Jordan March 16, 2020 - 06:01 PM

Isinailalim na sa community quarantine ang buong lalawigan ng Cavite.

Ayon kay Governor Jonvic Remulla, ito ay matapos i-deliberate ang sitwasyon kasama ang City and Municipal Officials bunsod ng COVID-19.

Napagkasunduan aniya sa pulong na bisa ng executive order, isailalim sa community quarantine ang Cavite.

Magpapatupad din aniya ng curfew mula 8:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling-araw para sa mga non-essential personnel. Hindi naman kabilang dito ang health care workers, peace and order officers, workers na night shift ng mga Processing zones na may valid ID at LGU officers.

Sarado rin ang lahat ng mall sa kasagsagan ng executive order.

Bukas naman ang mga restaurant ngunit tatanggap lamang ng take-home at delivery services.

Mananatili ring bukas ang mga bangko, groceries, supermarkets, pharmacies, pawn shops, hard wares, wet markets, public utility offices, Bayad centers, at related financial services.

Bawal naman ang fiestas, karakols, parades, at iba pang public assemblies. Kasama rin ang public playgrounds, basketball courts, beaches, at public parks.

Sarado rin ang gaming parlours, computer gaming shops, wellness centers at sabong.

Hindi rin kailangang mag-report ng mga estudyante na OJT.

“Needless loitering in the streets at any time of the day will be denied,” dagdag pa ni Remulla.

Bukas naman ang ‘tianges’ sa dry good markets ngunit sarado ang side walk vending.

Kailangan namang sundin ang guidelines ng DOTr pagdating sa public transportation.

Ani Remulla, epektibo ang lahat ng ito bandang 12:01 ng madaling-araw, Martes (March 17).

“This executive order is dependent and will be adjusted by the National Guidelines issued by the Office of the President and its alter-egos,” dagdag pa nito.

TAGS: cavite, community quarantine, Gov. Jonvic Remulla, cavite, community quarantine, Gov. Jonvic Remulla

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.