Pag-amyenda sa quarantine law, dapat ikonsidera – Sen. Lacson

Dahil hindi na naayon sa panahon, sinabi ni Senator Panfilo Lacson dapat nang amyendahan ang Republic Act 9271 o ang Quarantine Act of 2004.

Paliwanag ni Lacson, walang nakasaad sa batas ukol sa galaw ng mga tao sa kalsada dahil sakop lang nito ay ang mga biyahe sa mga airport at pantalan.

Kayat paniwala ng senador, maaring walang pinanghahawakan na legal na basehan ang mga pulis kung pag-aaresto sa mga lalabag sa community quarantine ang pinag-uusapan.

Maliban na lang aniya kung may lokal na ordinansa na panghahawakan ang mga pulis.

Ayon kay Lacson, napapanahon na siguro na amyendahan ang batas dahil walang nakakatiyak kung ano pa ang kahaharapin kapag nalagpasan ang hamon ng COVID-19.

Bago maipatupad ang naturang batas, ang sinusunod sa bansa ay ang Republic Act 123 of 1947.

Read more...