Mall closures, dapat linawin dahil sa epekto sa libu-libong trabahador – Sen. Angara
Hiniling ni Senator Sonny Angara sa mga kinauukulang ahensiya ng gobyerno na bigyang linaw ang mga ulat ukol sa pagsasara ng mga mall hanggang sa matapos ang community quarantine sa Metro Manila.
Aniya, dapat ikonsidera ang kapakanan ng libu-libong manggagawa na nakadepende sa operasyon ng mga mall.
Ayon kay Angara, bagamat naiintindihan niya na kailangan kumilos ng gobyerno, kailangan din aniyang ikonsidera ang magiging epekto nito sa publiko, lalo na sa mga daily wage earner.
Nababahala ang senador sa napaulat na pagsasara ng mga mall dahil makakapekto ito sa 700,000 empleyado at manggagawa.
Kasabay nito, ang kanyang panawagan sa Department of Labor and Employment (DOLE) na agad magbigay ng tulong sa mga empleyado na apektado ng sitwasyon dala ng (Coronavirus Disease) COVID-19.
Paalala nito, sa ilalim ng 2020 General Appropriations Act, naglaan ng higit P6.8 bilyon para sa Tulong Panghanapbuhay sa Ating Disadvantaged/Displaced Workers o TUPAD Program bukod pa sa higit P112.6 bilyon para sa Adjustment Measures Program.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.