Pangulong Duterte hindi na maaring lapitan ng mga taong hindi pa sumalang sa COVID-19 test

Photo grab from PCOO’s Facebook live video

Hindi na papayagan ng Presidential Security Group (PSG) na makalapit kay Pangulong Rodrigo Duterte ang sinumang hindi pa sumasalang sa COVID-19 test.

Sa statement ng PSG, 6 feet o two meters ang dapat na distansya ng isang tao na wala pang COVID-19 test kay Pangulong Duterte.

Tanging ang mga taong nagpa-COVID-19 test at negatibo ang resulta lamang ang papayagan ng PSG na makalapit kay Pangulong Duterte.

Mahigpit na rin na ipatutupad ngayon ng PSG ang “no touch policy” sa pangulo na una nang sinuway ng punong ehekutibo.

Iiwasan na rin ng PSG na dumalo ang pangulo sa malalaking pagtitipon.

Kung mayroon mang dadaluhang pagtitipon ang pangulo, mahigpit na ipatutupad ng PSG ang 10 metrong distansya sa punong ehekutibo.

Read more...