Private corporations, pinuri ni Sen. Poe sa payment extension
Agad pinapurihan ni Senator Grace Poe ang mga korporasyon na nag-anunsiyo na ng payment extensions kasunod ng ipinatutupad ang community lockdown.
Kinilala ni Poe ang kahalagahan ng pagtugon ng mga nasa pribadong sektor para sa kanilang mga kustomer o konsyumer at para tiyakin ang patuloy na serbisyo.
Una nang nag-anunsiyo ang Globe, Smart PLDT, Skycable at GSIS na magpapatuloy ang kanilang serbisyo kahit sumang-ayon sila sa payment moratorium.
Kasabay nito, ang panawagan ni Poe sa iba pang mga pribadong korporasyon na palawigin na rin ang deadline ng pagbabayad ng kanilang mga kliyente dahil sa sitwasyon ngayon ng COVID-19.
Kabilang sa mga nabanggit ng senadora ang mga bangko at private and government financial institutions at ang kanyang apela ay ang hindi muna paniningil ng multa dahil sa naantalang pagbabayad ng obligasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.