4-day work kada linggo, ipatutupad sa Albay provincial gov’t

By Angellic Jordan March 16, 2020 - 01:42 PM

Google Maps

Magpapatupad ang provincial government ng Albay ng four-day work kada linggo sa provincial Capitol.

Sa inilabas na memorandum, ipinag-utos ni Governor Al Francis Bichara ang bagong work arrangement kasunod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).

Magsisimula ang pasok ng mga empleyado ng Kapitolyo bandang 7:30 ng umaga hanggang 6:30 ng gabi para makumpleto ang 40 na oras na work requirement kada linggo.

Magkakaroon namang ng 24/7 shifting ang lahat ng ospital na nasa ilalim ng provincial government sa probinsya para makumpleto ang 40 na oras na work requirement kada linggo.

Pinatitiyak din ng gobernador sa mga ospital na mabigyan ng sapat na proteksyon ang lahat ng empleyado laban sa COVID-19.

TAGS: Albay provincial Capitol, Gov. Al Francis Bichara, Albay provincial Capitol, Gov. Al Francis Bichara

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.