Virtual session ng Kongreso para tugunan ang epekto ng COVID-19 iminungkahi ni Rep. Rufus Rodriquez

By Erwin Aguilon March 16, 2020 - 12:41 PM

Hinikayat ni House Committee on Constitutional Reforms Chairman at Cagayan De Oro Rep. Rufus Rodriguez na magsagawa na lamang ng “virtual session” ang mga kongresista para talakayin ang mga panukala na may kinalaman sa COVID-19.

Sabi ni Rodriguez, mas mainam sa panahon ng mabilis na pagkalat ng coronavirus na mag-convene ang Kamara at Senado sa pamamagitan ng video-teleconferencing kung saan gagamit na lamang ng teknolohiya sa pagsasagawa ng special session na hindi kailangang pisikal na pumunta sa Kongreso.

Maliban sa itinuturing na mass gathering ang pagsasagawa ng special session ng 300 kongresista, marami na sa mga mambabatas din na nasa mga distrito sa mga probinsya ang hindi na makakapasok ng Metro Manila.

Maaari aniyang mag-set up ang dalawang Kapulungan ng Kongreso ng isang infrastructure para sa “virtual o online session”.

Ito aniya ang posibleng solusyon na may kaakibat na pagiingat para maituloy ng mga mambabatas ang pagapruba sa mga panukala na hindi na dapat paabutin ng pagbabalik sesyon sa Mayo 4.

Ilan sa mga dapat na ipasa ngayon ng Kongreso ay ang P1.6 Billion na supplemental budget ng DOH para sa COVID-19 at tatalakayin din ang stimulus package para sa mga distressed workers na maaapektuhan ng lockdown.

Bukod dito, ang kanyang mungkahi ay isang paraan na rin sa pagtalima sa direktiba ni Pangulong Duterte na nagbabawal sa mass gathering ngayong pinapairal ang community quarantine.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, metro manila quarantine, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, virtual session, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, metro manila quarantine, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, virtual session

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.