Maynila nakapagtala na ng isang nasawi dahil sa COVID-19
By Dona Dominguez-Cargullo March 16, 2020 - 12:10 PM
Nakapagtala na ng unang nasawi sa Maynila dahil sa sakit na COVID-19.
Ayon kay Manila Mayor Isko Moreno, nasawi Linggo ng gabi ang pasyente na base sa listahan ng Department of Health (DOH) ay si “Patient Number 12:.
Residente ng Sampaloc, Maynila ang pasyente at na-admit sa ospital na nasa labas ng Maynila.
Maliban sa isang nasawi, mayroong limang pasyente ng COVID-19 na residente ng Maynila.
Residente ng Sampaloc, Maynila ang pasyente at na-admit sa ospital na nasa labas ng Maynila.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.