PLDT, Smart nagbigay ng 1-month extension period sa pagbabayad ng bill ng kanilang customers
Nagbigay ng isang buwang extension ang PLDT sa pagbabayad ng bill ng kanilang customers.
Sakop ng 30-day payment extension ang mga postpaid customer ng PLDT Home, PLDT Enterprise, Smart at Sun.
Layon nitong mabigyang pagkakataon ang mga customer na hindi makalabas para makapagbayad ngayong umiiral ang community quarantine sa Metro Manila.
Sinabi ng PLDT at Smart na hindi puputulan ng linya ang mga hindi pa nakakabayad para patuloy nilang magamit ang internet connection lalo na ngayong marami ang kailangang mag “Work From Home”.
Samantala, sinuspinde din ng Smart ang redirection ng accounts ng mga postpaid subscribers nito na lalagpas na sa kanilang assigned credit limit.
Ito ay para sa lahat ng Smart Signature, Smart Postpaid, Smart Bro, Smart Infinity, Sun postpaid, at Sun Broadband subscribers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.