Mga panukala upang tugunan ang epekto ng COVID-19 nais ipasa ng Kamara

By Erwin Aguilon March 16, 2020 - 10:46 AM

Pinag-aaralan na ng liderato ng Kamara de Representates ang pagpapasa ng mga panukala upang malabanan ang epekto sa ekonomiya ng coronavirus disease o COVID-19.

Ayon kay House Speaker Alan Peter Cayetano, kabilang sa nais nilang ipasa ang short, medium at long-term solutions hindi lamang para sa ekonomiya ng bansa kundi maging ang pagtugon sa epekto nito sa mga ordinaryong manggagawa.

Sabi pa ng lider ng Kamara, bubuhayin nila ang kanilang oversight function upang mamonitor ang mga aktibidad sa Metro Manila.

Gayundin, pag aaralan nila kung kailangang magpatupad ng community quarantine sa iba pang mga lugar.

Bubuksan din anya nila ang Kongreso upang maging lugar para pagdausan hindi ng pagdinig kundi roundtable discussion sa pagitan ng mga mamamayan at government agencies.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, economy, Health, Inquirer News, metro manila quarantine, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, short medium and long-term solutions, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, economy, Health, Inquirer News, metro manila quarantine, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, short medium and long-term solutions, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.