Isang buwan na moratorium sa paniningil ng pautang ng mga bangko hiniling ng ilang kongresista

By Erwin Aguilon March 16, 2020 - 10:34 AM

Hinikayat ni Assistant Majority Leader at Bagong Henerasyon Rep. Bernadette Herrera ang mga bangko na magpatupad ng moratorium sa pagbabayad ng utang o bigyan ng credit relief sa mga loans ang mga apektado ng ipapatupad na community quarantine dahil sa COVID-19.

Hiling ni Herrera sa mga bangko, isang buwang moratorium o huwag munang singilin ang mga may utang.

Isa pa sa inihirit ng lady solon ay ang pagbibigay din ng discount o hindi pagpapataw ng interes o multa sa mga may utang na “in good standing” o regular namang nakakapagbayad.

Umapela naman sa Bangko Sentral ng Pilipinas si Barangay Health Workers Party-list Rep. Angelica Natasha Co na ipatupad ang credit-relief sa mga kliyente lalo na sa mga biktima ng pagputok ng Taal, lindol at ngayon naman ay COVID-19 pandemic.

Hindi aniya pangkaraniwan at mahirap para sa mga kababayan ang epekto ng sunod – sunod na kalamidad na sinundan pa ng epekto ng coronavirus.

Mahalaga aniyang mabigyan ng credit-relief ang mga tao lalo pa’t may ilang manggagawa at empleyado na maaapektuhan sa ipapatupad na community quarantine bunsod ng pagsasara ng mga establisyimento at paglimita sa bilang ng mga nagtatrabaho.

 

 

 

TAGS: bank, coronavirus disease, COVID-19, credit, department of health, Health, Inquirer News, loans, metro manila quarantine, moratorium, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, bank, coronavirus disease, COVID-19, credit, department of health, Health, Inquirer News, loans, metro manila quarantine, moratorium, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.