Mga motorsiklo bawal munang magkaroon ng angkas – DOTr

Bahagi ng ipinatutupad na social distancing ang pagbabawal sa mga motorsiklo na bumiyahe sa mga lansangan sa Metro Manila na mayroong angkas.

Ayon sa Department of Transportation (DOTr) kahit pa “for personal use” ang pagbiyahe ng motorsiklo ay bawal itong mag-angkas.

Sinabi ng DOTr, na sa ilalim ng guidelines on social distancing, pwedeng gamitin “for personal use” ang motorsiklo basta’t rider lang o driver lang ang sakay nito.

Magugunitang sinuspinde ng DOTr ang operasyon ng ride-hailing app na Angkas, Joyride at MoveIt.

 

Read more...