Water level ng Angat dam nasa 199.83 meters na lang
By Dona Dominguez-Cargullo March 16, 2020 - 09:59 AM
Nabawasan pa sa magdamag ang antas ng tubig sa Angat dam.
Ayon sa PAGASA Hydrology Division, alas 6:00 ng umaga ngayong Lunes, March 16 ay nasa 199.83 meters ang water level ng Angat.
Malayo na ito sa 212-meters na normal high water level ng dam.
Nabawasan din ang water level ng La Mesa dam na nasa 76.85 meters.
Ang Ipo dam naman ay nadagdagan ng bahagya na nasa 101 meters.
Pawang nabawasan ang water level ng iba pang mga dam sa Luzon maliban lamang sa Binga dam at Caliraya dam na nadagdagan ng kaunti.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.