13 volcanic earthquakes naitala sa Bulkang Taal sa nakalipas na magdamag

Patuloy pa ring nakakapagtala ng aktibidad sa Bulkang Taal.

Base sa volcano bulletin ng Phivolcs alas 8:00 ng umaga ngayong Lunes, March 16 naitala ang 13 volcanic earthquakes sa Bulkang Taal sa nakalipas na 24 oras.

Dalawa dito mayroong magnitiude 2.6 at 2.4 at naitala ang Intensity I sa Barangay Poblacion sa bayan ng Lemery at Barangay Banyaga sa bayan ng Agoncillo.

Maliban dito, patuloy din ang pagbubuga ng steam-laden plumes at sa magdamag at umabot sa 50 hanggang 100 meters ang taas nito.

Nananatili pa rin ang bulkan sa Alert Level 2.

Sinabi ng Phivolcs na posible pa ring makaranas ng phreatic explosions, volcanic earthquakes, ashfall at expulsions ng volcanic gas.

Ipinagbabawal pa rin ng Phivolcs na makapasok ang sinuman sa Taal Volcano Island at sakop ng permanent danger zone ng bulkan.

 

Read more...