“No ID, No Entry” mahigpit nang ipinatutupad sa SBMA
By Dona Dominguez-Cargullo March 16, 2020 - 09:12 AM
Simula ngayong araw magpapatupad na ng “No ID No Entry sa Subic Bay Metropolitan Authority (SBMA).
Ayon kay SBMA Chairman at Administrator Wilma Eisma, mula March 16 hanggang 22 ay ipatutupad ang “No SBMA or No SBF Company ID, No Entry”.
Habang ang mahigpit na pagpapatupad ng “No SBMA ID, No Entry” ay mula March 23, 2020 hanggang April 14, 2020.
Ang naturang hakbang ay para maiwasan ang paglaganap ng sakit na COVID-19 sa SBMA.
Pinayuhan ang mga magtutungo sa SMBA na makiisa sa naturang hakbang.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.