Mga pasahero dumanas ng matinding perwisyo; pila sa MRT-3 humaba, pahirapan din ang pagsakay sa bus

By Dona Dominguez-Cargullo March 16, 2020 - 09:04 AM

Matinding perwisyo ang naranasan ng mga pasahero sa pagpasok sa trabaho ngayong araw ng Lunes, March 16, 2020.

Humaba nang husto ang pila ng mga pasahero sa MRT-3 dahil sa ipinatutupad na limitasyon sa pagpapasakay ng pasahero upang masunod ang ‘one-meter social distancing policy’.

Sa Magallanes station at Guadalupe umabot sa ibaba sa kahabaan ng EDSA ang pila ng mga pasahero.

Hindi rin madali ang mag-bus na lamang kahit wala namang masyadong traffic sa EDSA.

Pahirapan din kasi ang pagsakay sa bus dahil ipinatutupad din ang limitasyon sa mga pasahero.

One-seat apart kasi dapat ang pinaiiral sa mga bus para sa social distancing.

TAGS: bus, commuters, coronavirus disease, COVID-19, department of health, edsa, Health, Inquirer News, metro manila quarantine, MRT 3, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, social distancing, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, bus, commuters, coronavirus disease, COVID-19, department of health, edsa, Health, Inquirer News, metro manila quarantine, MRT 3, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, social distancing, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.