Kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila umakyat na sa 3

By Dona Dominguez-Cargullo March 16, 2020 - 08:56 AM

Nadagdagan pa ng dalawa ang bilang ng kumpirmadong kaso ng COVID-19 sa Maynila.

Kabilang sa nadagdag sa kaso ang isang 23 anyos na babaeng residente ng Sta. Ana.

Ang naturang babae ay nagtatrabaho sa isang salon sa Greenhills San Juan.

Ang ikalawa ay isang 64-taong gulang na babae mula sa Sta. Cruz na wala namang travel history.

Ang nasabing babae ay walang travel history sa ibang bansa at kasalukuyan siyang nasa isang ospital sa labas ng Maynila.

Una rito ay nagpositibo sa COVID-19 ang isang pasyente mula Sampaloc, Maynila.

Kahapon, idineklara na ang state of calamity sa lungsod dahil sa banta ng COVID-19.

TAGS: coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, manila, metro manila quarantine, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, sta cruz, Sta. Ana, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website, coronavirus disease, COVID-19, department of health, Health, Inquirer News, manila, metro manila quarantine, PH news, Philippine breaking news, Philippine Media, Radyo Inquirer, sta cruz, Sta. Ana, State of Public Health Emergency, Tagalog breaking news, tagalog news website

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.