China magpapadala ng medical supplies, health experts sa Pilipinas
By Dona Dominguez-Cargullo March 16, 2020 - 08:04 AM
Magpapadala ng tulong ang China sa Pilipinas para malabanan ang COVID-19.
Ayon kay Chinese Foreign Ministry Spokesperson Hua Chunying, nakipag-ugnayan na si Chinese State Councilor Wang Yi kay Foreign Affairs Sec. Teodoro Locsin Jr.
Kabilang sa nakatakdang dumating sa Pilipinas ang mga medical supply at mga health expert.
Maliban sa Pilipinas sinabi ng opisyal na magbibigay din ng medical supplies, medical devices at PPEs, ang China sa Spain.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.