Pasok sa lahat ng tanggapan ng Comelec suspendido na hanggang April 14

Suspendido na ang pasok sa trabaho sa lahat ng field offices ng Commission on Elections (Comelec).

Ang suspensyon ay mula ngayong araw March 16 hanggang sa April 14 o sa kasagsagan ng pag-iral ng community quarantine sa Metro Manila.

Ayon sa Comelec suspendido ang pasok sa lahat ng kanilang field office sa buong bansa.

Layon nitong maiwasan ang banta ng paglaganap pa ng COVID-19.

Una nang sinuspinde ng Comelec ang pagpapatuloy ng voter registration sa bansa dahil sa naturang sakit.

Read more...