M3.8 na lindol tumama sa Claveria, Masbate

Niyanig ng magnitude 3.8 na lindol ang bayan ng Claveria sa lalawigan ng Masbate.

Naitala ang pagyanig sa layong 27 kilometers southwest ng Claveria alas 6:07 ng umaga ng Lunes, March 16.

Ayon sa Phivolcs tectonic ang origin ng pagyanig at may lalim na 16 kilometers.

Naitala ang Instrumental Intensity I sa bayan ng Mulanay sa lalawigan ng Quezon.

Read more...