Suspensyon sa lahat ng mass gatherings ipinatupad sa buong lalawigan ng Rizal
Ipinatutupad na sa buong lalawigan ng Rizal ang pagbabawal sa pagdaraos ng mass gatherings.
Sa inilabas na memorandum ng Rizal Provincial Government, iniutos ni Governor Rebecca Ynares ang suspensyon ng ilang mga establisyimento sa buong Rizal.
Sakop ng temporary suspension ang mga sumusunod:
– malls
– lotto outlets
– bingo outlets
– internet cafes
– bars
– coffee shops
– sabungan
Supsendido din ang iba pang public gatherings sa lalawigan.
Mananatili naman ang operasyon ng mga ospital, drugstores, supermarkets, groceries at mga palengke.
Epektibo ang kautusan simula ngayong araw at mananatili hangga’t hindi binabawi ng provincial government.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.