9 na oras na curfew ipinatutupad na sa maraming lugar sa Metro Manila

Epektibo na ang siyam na oras na curfew sa malaking bahagi ng Metro Manila.

Karamihan sa mga lungsod ay nakapagpasa na ng ordinansa para sa pagpapatupad ng curfew mula alas 8:00 ng gabi hanggang alas 5:00 ng umaga.

Kabilang dito ang mga sumusunod na lungsod:

– Maynila
– Muntinlupa
– Makati
– Navotas
– Las Piñas
– San Juan
– Pasay
– Pasig
– Quezon
– Taguig
– Mandaluyong

Tatagal ang curfew hhabang umiiral ang community quarantine sa Metro Manila.

Read more...