Magsaysay, Davao del Sur niyanig ng lindol

Niyanig ng magnitude 3.0 na lindol ang lalawigan ng Davao del Sur.

Ayon sa Phivolcs, naitala ang pagyanig sa 5 kilometers Northwest ng bayan ng Magsaysay, ala-1:31 ng madaling araw ng Lunes (March 16).

May lalim na 18 kilometers at tectonic ang origin ng pagyanig.

Wala namang naitalang pagkasira sa mga ari-arian, intensities at aftershocks.

Read more...