Provincial buses, UV at jeep mula NLEX at SLEX bawal nang pumasok sa Metro Manila simula ngayong araw

Epektibo alas 12:01 ng madaling araw ngayong Lunes, March 16 bawal nang pumasok sa Metro Manila ang mga provincial buses.

Base ito sa guidelines na inilabas ng Department of Transportation (DOTr) bilang bahagi ng pagpapatupad ng community quarantine sa Metro Manila.

Ayon sa pahayag ng Metro Pacific Tollways ang mga bus, UV express at mga jeep na galing ng NLEX at SCTEX ay didiretso sa North Luzon Express Terminal sa Ciudad de Victoria sa pamamagitan ng Philippine Arena Interchange Exit.

Ibababa doon ang kanilang mga pasahero at saka naman sila sasakay ng city buses na maghahatid sa kanila sa Metro Manila.

Kung galing naman ng South Luzon Expressway o SLEX, bababa ng Sta. Rosa Laguna ang mga pasahero para doon sumakay ng city buses.

 

 

Read more...