Nasawi sa COVID-19 sa bansa umakyat na sa 12

Nadagdagan pa ang bilang ng mga nasawi dahil sa kaso ng COVID-19 sa bansa.

Ayon sa Department of Health (DOH) isang 56 anyos na lalaking pasyente ang pumanaw.

Ang nasabing pasyente ay na-admit sa Makati Medical Center noong March 7, 2020 at nakumpirmang positibo sa COVID-19 noong March 9, 2020.

Pumanaw ito Linggo (March 15) ng gabi dahil sa Acute respiratory Distress Syndrome secondary to COVID-19.

Dahil dito umakyat na sa 12 ang bilang ng mga nasawi sa sakit.

Read more...