Tatlong Araneta City mall, pansamantalang isinara dahil sa COVID-19
Pansamantalang isinara ang tatlong Araneta City malls bunsod ng banta ng Coronavirus Disease (COVID-19).
Ayon sa pamunuan ng Araneta City, bahagi ito ng kanilang suporta sa direktiba ng gobyerno para maiwasan ang pagkalat pa ng sakit.
Kabilang sa mga isasara simula sa Lunes, March 16, ang Gateway Mall, Ali Mall, at Farmers Plaza.
“Until further notice” anila epektibo ang pagsasara ng tatlong malls.
Samantala, mananatili namang bukas ang mga grocery store, convenience store, pharmacy, bangko, at maging ang medical at dental clinic.
Bukas din sa publiko ang mga restaurant sa nasabing mall ngunit maaari lamang mag take-out at food delivery.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.