DOH, nilinaw na dalawang pasyente ang nakarekober sa COVID-19 sa bansa

Nilinaw ng Department of Health (DOH) na dalawang kaso ang nakarekober sa Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Sa inilabas na phayag, sinabi ng kagawaran na nakarekober sa virus ang patient numbers 1 at 3 (PH1 at PH3).

Samantala, nasa lima ang kumpirmadong COVID-19 cases naman na mayroong mild symptoms ang nakasailalim sa home quarantine.

“Five (5) confirmend COVID-19 cases with mild symptoms are under home quarantine based on the existing decision tool for the diagnosis and management of COVID-19,” pahayag pa ng DOH.

Sa huling tala, nasa 11 ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa nakakahawang sakit.

Read more...