BREAKING: Bilang ng nasawi bunsod ng COVID-19 sa bansa, nadagdagan ng tatlo

By Angellic Jordan March 15, 2020 - 05:22 PM

Kinumpimra ng Department of Health (DOH) na nadagdagan ng tatlo ang bilang ng nasawi sa bansa dahil sa Coronavirus Disease (COVID-19).

Dahil dito, sinabi ng kagawaran na umabot na sa 11 ang kabuuang bilang ng nasawi sa bansa.

Ayon sa DOH, nasawi ang patient number 9 o PH9 na isang 86-anyos na Amerikano bandang 2:42, Sabado ng madaling-araw (March 14).

Ang pasyente ay mula sa Marikina City at mayroong travel history sa Amerika at Korea.

Samantala, nasawi rin ang PH54 na isang 40-anyos na lalaking Filipino mula sa Pasig City.

Sinabi ng kagawaran na nasawi ang pasyente bandang 1:45, Linggo ng madaling-araw (March 15).

Wala itong travel history sa ibang bansa.

Acute Respiratory Distress Syndrome, CAP, High-risk at COVID-19 ang sanhi ng pagpanaw nito.

Pumanaw din ang PH39 na 64-anyos na lalaking Filipino mula sa Negros Oriental.

Nagkaroon ito ng travel history sa Greenhills at nasawi bandang 11:09, Linggo ng umaga (March 25).

TAGS: covid 19 death toll, COVID-19, doh, covid 19 death toll, COVID-19, doh

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.