Budget Sec. Avisado, ihihinto na ang pagsailalim sa self-quarantine

KING RODRIGUEZ / PRESIDENTIAL PHOTO

Ihihinto na ni Budget Secretary Wendel Avisado ang pagsailalim sa self-quarantine.

Sa inilabas na pahayag, sinabi ng kalihim na ito ay matapos mag-negatibo si Finance Secretary Carlos “Sonny” Dominguez III sa Coronavirus Disease (COVID-19).

“I was exposed to him only and not to anybody who tested positive, unlike him,” ani Avisado.

Dahil dito, makakabalik na aniya siya agad sa trabaho.

Nagpasalamat naman ang kalihim sa Panginoon at sa publiko na nag-alay ng panalangin.

Read more...