DFA, nilinaw ang pag-aalis ng travel ban sa mainland China para sa OFWs
Nilinaw ng Department of Foreign Affairs (DFA) ang pag-aalis ng travel ban sa mainland China, maliban sa Hubei Province para sa mga overseas Filipino worker (OFW).
Ayon sa kagawaran, sakop ng lifting ng travel ban ang mga sumusunod:
– Ang mga pabalik na OFW ay kinakailangan magprisinta ng valid visas o work permits, OEC, “notarized declaration of their knowledge” at pang-unawa sa posibleng panganib na maranasan sa bansa at iba pang dokumento ng employment sa mainland China. Sakop din nito ang mga Filipino na mayroong permanent resident visas
– Mga opisyal ng gobyerno na bibiyahe sa mainland China para sa trabaho.
Paalala ng DFA, narito naman ang mga hindi kabilang sa travel ban:
– OFW na may first-time deployment sa mainland China
– estudyante
– dependents ng OFWs
– turista
Inabisuhan ang publiko na regular na nire-review ng Inter-Agency Task Force ang mga panuntunan at maaring mabago depende sa sitwasyon.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.