Klase sa buong Laguna, suspendido hanggang March 20

By Angellic Jordan March 15, 2020 - 04:18 PM

Suspendido na ang klase sa buong lalawigan ng Laguna mula March 16 hanggang 20.

Ito ay bunsod pa rin ng patuloy na banta ng Coronavirus Disease (COVID-19) sa bansa.

Ayon kay Governor Ramil Hernandez, kanselado ang klase sa lahat ng antas sa mga pampubliko at pribadong paaralan ng probinsya.

“Ipinasiya po natin na suspendihin muna ang klase hanggang walang pinakamabisang precautionary measures na napagkasunduan,” ani Hernandez.

Kasunod nito, pinayuhan ang mga mag-aaral sa lalawigan na manatili muna sa tahanan habang walang pasok.

Pinaghahanda rin ang mga eskwelahan na ayusin ang lahat ng kakailanganin para sa final exams.

Hiniling muli ni Hernandez ang kooperasyon ng bawat residente ng Laguna para maiwasan ang pagkalat ng sakit.

TAGS: class suspension in Laguna, COVID-19, Gov. Ramil Hernandez, class suspension in Laguna, COVID-19, Gov. Ramil Hernandez

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.