Pagkasangkot ni Roxas sa anomalya ng MRT, dapat ring siyasatin

By Kathleen Betina Aenlle February 06, 2016 - 06:09 AM

Mar-Roxas-0527Mismong ang mga may-ari na ng Metro Rail Transit Holdings Inc. ang nanawagan sa Office of the Ombudsman na imbestigahan si dating Transport Sec. Mar Roxas.

Ito ay kaugnay sa hinihinalang pagkakasangkot niya sa mga maanomalyang kontratang pinirmahan ng Department of Transportation and Communication (DOTC) na dati niyang pinamahalaan para sa MRT-3.

Para kay MRT Holdings Inc. owner Robert L. Sobrepeña, kung nasangkot si Transport Sec. Joseph Emilio Abaya at iba pang mga opisyal sa anomalya sa DOTC, dapat kasamang maimbestigahan si Roxas.

Mataandaang inirekomenda sa report ng Senate sub-committee on public services ang pagsasampa ng kasong graft sina Abaya at iba pang opisyal na itinuturong may kinalaman sa maanomalyang kontrata ng pamahalaan sa Philippine Trams Rail Management and Services Corp.

Ani pa Sobrepeña, dapat siyasatin ng korte ang posibilidad na kasama rin si Roxas sa mga dapat makasuhan.

Ngunit, pumalag naman ang tagapagsalita ni Roxas na si Rep. Barry Gutierrez at sinabing wala namang kredibilidad si Sobrepeña para batuhin ng ganoong akusasyon si Roxas.

Aniya, mismong si Sobrepeña ay may mga kinasangkutang maanomalyang transaksyon, kaya wala siya sa posisyon para magsalita ukol dito.

TAGS: Mar Roxas, mrt anomaly, Mar Roxas, mrt anomaly

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.