Kiblawan, Davao Del Sur nakaranas ng dalawang pagyanig

Yumanig ang magnitude 3.5 na lindol sa Kiblawan, Davao Del Sur Linggo ng umaga.

Ayon sa Phivolcs, tumama ang lindol sa layong 15 kilometers Southeast ng Kiblawan dakong 11:53 ng umaga.

36 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang origin.

Dahil dito, naramdaman ang instrumental intensities sa mga sumusunod na lugar:
Intensity 2:
– Kidapawan City
Intensity 1:
– Tupi, South Cotabato; Malungon, Sarangani

Wala namang napaulat na pinsala at aftershocks matapos ang pagyanig.

Samantala, dakong 3:15 ng hapon, muling niyanig ng lindol ang nasabing bayan.

Tumama ang magnitude 3.8 na lindol sa layong 9 kilometers Southwest ng Kiblawan.

32 kilometers ang lalim ng lindol at tectonic ang dahilan.

Naramdaman ang instrumental intensity 1 sa Tupi, South Cotabato; Malungon, Sarangani; Kidapawan City.

Read more...